Ginawang basehan ng korte ang sulat ni Dr. Amadeo Veloso, ophthalmmologist ni Estrada na nagsabing kailangang magpahinga nang isang linggo ng dating Presidente.
Kaugnay nito, isang signature campaign ang sinimulan kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang suportahan ang isang resolusyon na naglalayong kumbinsihin ang pamahalaan na palabasin ng bansa si Estrada upang makapag-paopera sa tuhod.
Ayon kay Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen, "humanitarian consideration" ang pangunahing layunin ng nasabing signature campaign matapos nilang bisitahin sa Veterans hospital si Estrada at masaksihan ang kalagayan nito. Kagabi ay umabot na umano sa 100 kongresista ang lumagda. (Ulat ni Malou Escudero)