Ilan sa mga dahilan ni Defensor sa pagpapasibak kay Crisostomo ay ang mga maling impormasyon na ipinalalabas nito laban sa panukalang pagbuo ng Department of Housing at iba pang patakaran ng administrasyon.
Ayon kay Defensor, ipinagkakalat ni Crisostomo na maraming masisibak sa PAG-IBIG kung matutuloy ang pagbuo ng Housing department bukod pa sa sinabing mababangkarote ang pondo ng PAG-IBIG sanhi ng housing policy ng pamahalaan.
Nilinaw ni Defensor na malabong kunin ng kanyang tanggapan ang pondo ng PAG-IBIG dahil maaaring maharap ito sa kasong plunder kayat walang dahilan ang katwiran ni Crisostomo.
Ipinalit kay Crisostomo si deputy chief executive officer Miro Quimbo bilang officer-in-charge ng PAG-IBIG. (Ulat ni Ely Saludar)