^

Bansa

Presidente ng PAG-IBIG, sinibak ni GMA

-
Pinatalsik kahapon ni Pangulong Arroyo ang presidente ng PAG-IBIG matapos ang mga umano’y kapalpakan nito sa tungkulin. Inihayag ni Housing and Urban Coordinating Council (HUDCC) Chairman Mike Defensor na matagal nang pinagpasensiyahan si PAG-IBIG president Manuel Crisostomo.

Ilan sa mga dahilan ni Defensor sa pagpapasibak kay Crisostomo ay ang mga maling impormasyon na ipinalalabas nito laban sa panukalang pagbuo ng Department of Housing at iba pang patakaran ng administrasyon.

Ayon kay Defensor, ipinagkakalat ni Crisostomo na maraming masisibak sa PAG-IBIG kung matutuloy ang pagbuo ng Housing department bukod pa sa sinabing mababangkarote ang pondo ng PAG-IBIG sanhi ng housing policy ng pamahalaan.

Nilinaw ni Defensor na malabong kunin ng kanyang tanggapan ang pondo ng PAG-IBIG dahil maaaring maharap ito sa kasong plunder kaya’t walang dahilan ang katwiran ni Crisostomo.

Ipinalit kay Crisostomo si deputy chief executive officer Miro Quimbo bilang officer-in-charge ng PAG-IBIG. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN MIKE DEFENSOR

CRISOSTOMO

ELY SALUDAR

HOUSING AND URBAN COORDINATING COUNCIL

IBIG

MANUEL CRISOSTOMO

MIRO QUIMBO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with