Junior at Senior officers ng PNP di pabor sa extension ni Mendoza

Hindi pabor ang mga junior at senior officers ng Philippine National Police sa naging desisyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na palawigin pa ng siyam na buwan ang termino ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza.

Ayon sa mga junior at seniors officers na nagbigay ng sentimyento sa mga mamamahayag na maaapektuhan ang pag-angat ng kanilang mga ranggo maliban pa sa lilikha lamang ito ng demoralisasyon sa kanilang hanay. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments