Sen. Legarda, 5 weeks pregnant!

Kinumpirma kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda Leviste na siya ay 5 weeks pregnant sa kanyang mister na si dating Batangas Governor Antonio Leviste.

Pabirong nakiusap si Legarda sa kanyang mga kasamahan sa senado bago magsimula ang sesyon ay huwag muna siyang "banatan" dahil siya ay nagdadalang- tao.

Ang ipinagbubuntis ni Loren ay ang kanilang magiging ikatlong anak ng dating Batangas governor. Ang kanilang mga anak ay sina Lorenzo Antonio,11 at Leandro Antonio, 8 taon. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments