^

Bansa

Mawanay tuluyan nang sinipa ng DOJ sa Witness Protection Program

-
Dahil sa kaliwa’t kanang reklamo, tuluyan nang sinibak ng Department of Justice (DOJ) Witness Protection Program (WPP) ang pangunahing testigo laban kay Senador Panfilo Lacson na si Angelo "Ador" Mawanay.

Kinumpirma ni Senior State Prosecutor Leo Dacera, director ng WPP na ibinasura na nila ang motion for reconsideration ni Ador na humihiling na maibalik siya na nasabing programa ng DOJ.

Una nang tinanggal si Ador sa WPP noong nakaraang Disyembre dahil sa mga reklamo sa kanya ng mga naging kliyente nito sa negosyong cellular phones ngunit agad naman umapela si Ador.

Nadiskubre din na nagalit si ISAFP Chief, Col. Victor Corpus kay Mawanay dahil sa pinakialaman nito ang mga computer files sa loob ng nasabing tanggapan kaya nalaman nito ang iba pang sikreto ng ISAFP.

Nabatid pa na pinutol na ng WPP ang nakukuhang P6,000 allowance nito mula sa una at P15,000 allowance naman mula sa ISAFP.

Lumalabas rin sa ulat na patuloy pa rin ang operasyon at negosyo ni Mawanay sa kabila ng pananatili nito sa safehouse ng DOJ, ito ay matapos madiskubre na nagpapalit pa ito sa isang money changer shop sa Ermita, Maynila ng malaking halaga ng salapi na nasa dollar currency.

Ngunit sinabi ni Dacera na patuloy naman na nagsusumiksik si Mawanay sa safehouse ng DOJ kaya hindi nila ito agad na mapaalis.

Nilinaw pa rin ni Dacera na kinokonsidera nila ang panawagan ni Mary Ong alias Rosebud sa DOJ na huwag muna basta paalisin sa WPP ang mga testigo laban kay Senator Lacson dahil sa nanganganib ang kanilang buhay. (Ulat ni Grace Amargo)

DACERA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

MARY ONG

MAWANAY

SENADOR PANFILO LACSON

SENATOR LACSON

SENIOR STATE PROSECUTOR LEO DACERA

VICTOR CORPUS

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with