GMA tinagkang patayin sa Antique
February 12, 2002 | 12:00am
Muntik malagay sa panganib ang buhay ni Pangulong Arroyo matapos na makaaresto ang mga kagawad ng PNP at Presidential Security Group (PSG) ng isang lalaki na armado ng kutsilyo na nagtangkang makalapit sa Presidente na nooy bumibisita sa lalawigan ng Antique para dumalo sa ika-16 na anibersaryo ng kamatayan ng napaslang na si Governor Evelio Javier, kahapon.
Nabulabog ang mga awtoridad nang malusutan sila ng lalaki na kinilalang si Berlie Polo, 20, nakasuot ng combat boots at khaki pants na uniporme ng isang pulis.
Ayon kay Antique Police chief Ranier Odio, ang suspek ay tumalon sa bakod ng stadium papasok sa Binirayan complex na lugar na patutunguhan mismo ni Pangulong Arroyo, limang minuto makaraan lumapag ang helicopter na sinasakyan nito.
Nakapasok sa stadium ang lalaki at humalo sa mga pulis. Dahil sa kakaibang kilos, sinita siya ng mga pulis subalit bigla na lamang pumalag kaya dinakma siya ng mga awtoridad.
Inaresto ito may 100 metro (320 feet) ang layo mula sa Pangulo at nakuha sa kanyang baywang ang isang kutsilyo na may pitot kalahating pulgada ang haba.
Nang tanungin kung sino siya ay tila wala sa sarili na sumagot itong hindi niya alam ang kanyang pangalan at sinabi nitong nais lamang niyang makita ng personal ang Pangulo.
Hinihinalang wala sa wastong katinuan ang lalaki. Agad itong dinala sa kustodya ng PNP.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na hindi maituturing na assassination ang nasabing insidente dahil lumitaw na hindi husto ang pag-iisip ni Polo. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest