DENR official pinawalang sala ng SC
February 11, 2002 | 12:00am
Pinawalang sala ng Supreme Court (SC) ang Regional Executive Director (RED) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hinatulan ng Ombudsman na matanggal sa serbisyo dahil sa gross neglect of duty kaugnay sa trahedyang naganap sa Cherry Hills subdivision sa Antipolo City nuong Agosto 3, 1999.
Nakalaman sa 15 pahinang desisyon iniutos din ng Korte Suprema na ibalik sa serbisyo ng walang demosyon sa posisyon at bayaran si RED Antonio G. Principe epektibo mula nang ipatupad and dismissal order ni Ombudsman Aniano Desierto noong Septyembre 1999.
Sinulat ni Associate Justice Bernardo P. Pardo, ang desisyon inaprubahan at nilagdaan ng lahat ng 15 miyembro ng SC nuong Enero 23, 2002.
Nagpahayag ng pasasalamat si Principe sa naging desisyon ng SC. Bagamat ako ay labis na nagdusa, natutuwa ako at nagpapasalamat dahil naibigay din sa akin at sa aking pamilya ang ganap na katarungan. ani Principe.
Sa pagpapawalang sala kay Principe, sinabi ng Korte Suprema na nagkamali ang Ombudsman sa paratang nito na nagkasala si Principe ng gross neglect of duty dahil hindi niya personal na minonitor ang pagtupad ng developer ng Cherry Hills subdivision, sa mga probisyong nakasaad sa Environmental Clearance Certificate (ECC) na ipinagkaloob dito. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended