^

Bansa

Parañaque hindi uurong sa utang ng NAIA

-
Hindi titigil ang lokal na pamahalaan ng Parañaque City sa pangunguna ni Mayor Joey Marquez na singilin ang P650 million realty tax utang ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi binabayaran ng huli noong pang 1962.

Sinabi ni Marquez, na kukunin niya ang legal opinion ng kanyang mga abogado para puwersahin na magbayad ang pamunuan ng MIAA sa kanila.

‘I believe under the law, MIAA has to pay the government of Parañaque the realty tax due to us.’ ani Marquez.

Si Marquez ay dumating sa NAIA sakay ng eroplanong Philippine Airlines flight PR-103 galing US, kahapon ng umaga.

Naudlot ang pagdanak ng dugo sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City at ng MIAA management ng magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals na pumapabor sa huli para ipagpaliban ang sinasabing subastahan ng runway sa airport.

Sa ngayon ay may status quo sa pagitan ng dalawang ahensya ng gobyerno kaugnay ng nasabing isyu.

Samantala, tiniyak nina MIAA general manager Ed Manda, Ret. General Mike Hinlo, Assistant general manager for Security and Emergency Service at PNP-Aviation Security Group Director Marcelo Ele jr., na ligtas ang NAIA sa lahat ng uri ng kriminalidad na maaaring mangyayari dito.

‘Protektado namin hindi lamang mga pasaherong dumarating at umaalis ng bansa kundi maging mga empleyado sa airport, well wishers at welcomers.’ anang mga ito. (Ulat ni Butch M. Quejada)

vuukle comment

AVIATION SECURITY GROUP DIRECTOR MARCELO ELE

BUTCH M

COURT OF APPEALS

ED MANDA

GENERAL MIKE HINLO

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MARQUEZ

MAYOR JOEY MARQUEZ

PHILIPPINE AIRLINES

SECURITY AND EMERGENCY SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with