Burnham couple kukuning buhay ng US troops
February 10, 2002 | 12:00am
Titiyakin umano ng mga tropang Kano na kasali sa Balikatan 02-1 na makukuha nila ng buhay ang mag-asawang Burnham at ang Pinay nurse na bihag ng mga bandidong Abu Sayyaf sa sandaling umpisahan na ang RP-US joint military exercise.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan, hindi bobombahin ng mga sundalong Amerikano ang kuta ng mga Sayyaf sa Basilan dahil ayaw nilang malagay sa panganib ang buhay ng mga hostage partikular ang Burnham couple.
Ang pahayag ni Adan ay bilang reaksiyon naman sa pangamba ng mga kritiko na maglunsad ng pambobomba ang US troops laban sa kuta ng mga bandido para lamang mailigtas ang dalawa nilang nationals sakaling ilunsad na ang nasabing war games.
Una nang itinanggi ni Col. William Ball, deputy commander ng Joint Task Force 510 sa ilalim ng US Special Operations Command of the Pacific (SOCPAC) na tulad sa pagpapabagsak sa Taliban forces sa Afghanistan ay gigiyerahin rin ng tropang Amerikano ang Abu Sayyaf bilang bahagi ng kampanya ng US government laban sa terorismo.
Pinaalalahanan naman ni Sen. Blas Ople ang mga kasapi sa Balikatan na importante higit sa lahat sa rescue operation na mabawi nitong ligtas ang sinumang bihag at kahit na hindi mahuli o mapatay ang nang-hostage, tagumpay pa ring maituturing ang pagkakaligtas sa mga biktima.
Sa kasalukuyan ay nakabitin pa rin ang pagsusulong ng terms of reference (TOR) na siyang pagbabatayan ng mga sundalo habang kanilang isinasagawa ang Balikatan dahilan sa hindi pa nalalagdaan ng kinatawan ng US troops sa Estados Unidos ang bagong kasunduan.
Naantala ang Balikatan dahilan na rin sa hindi agad nagkasundo ang magkabilang panig sa isang probisyon na isasailalim sa kontrol ng AFP ang mga sundalong Kano sa panahon ng pagsasanay,
Tiniyak naman ni Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona Jr. na malulutas din sa lalong madaling panahon ang problema sa TOR.
Hanggang Biyernes lamang ang itinatakdang deadline sa TOR upang ito ay mapagkasunduan na upang isulong na ang Balikatan exercises na may katiyakang buhay na mababawi ang nalalabing tatlong bihag ng bandidong Sayyaf. (Ulat nina Joy Cantos at Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended