^

Bansa

Terorista ang mga tutol sa Balikatan! - GMA

-
Tinawag na terorista ni Pangulong Arroyo ang mga tumututol sa Balikatan exercise.

Sa kanyang lingguhang press conference kahapon, sinabi ng Pangulo na ang mga taong tumutuligsa sa Balikatan 02-1 ay hindi Pilipino kundi protektor ng mga terorista, kasosyo ng mga mamamatay-tao, lover ng Abu Sayyaf at mas mahal pa ang terorista kaysa sariling mga kawal na nagtatanggol sa bayan.

"Sino ang laban sa alok na tulong at kaligtasan ng taong bayan? Hindi ka Pilipino kung salungat ka sa kapakanan ng sarili mong kawal," pahayag ng Pangulo.

Ang mga pabor anya sa pagsasakatuparan ng Balikatan ang siyang kakampi ng demokrasya at pagtutulungan ng malayang bansa. Ang mga tutol dito anya ang siyang kakampi ng terorismo at sa paghahari ni Osama bin Laden.

"Panahon na para malaman kung sino ang nasa panig ng kaligtasan, kapayapaan at kaunlaran ng Pilipino at kung sino ang gustong mamalagi ang Abu Sayyaf at gulo sa Mindanao," wika pa ng Presidente.

Bilang Presidente ay hindi anya siya titigil hanggang sa mahuli ang kahuli-hulihang Abu Sayyaf member. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ABU SAYYAF

BALIKATAN

BILANG PRESIDENTE

LILIA TOLENTINO

MINDANAO

OSAMA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with