^

Bansa

12 kidnaper todas sa shootout

-
Isang araw matapos utusan ni Pangulong Arroyo ang PNP na paigtingin pa ang kampanya laban sa mga kidnaper, 12 miyembro ng Bagis Gang, isang kilabot na grupo ng kidnap-for-ransom at robbery gang ang napatay sa pakikipag-engkuwentro sa mga operatiba ng pulisya kahapon ng hapon sa Alcala, Pangasinan.

Sa isang flash report na ipinarating kahapon ni Pangasinan Provincial Police Office Director, P/Senior Supt. Rodolfo Mendoza sa tanggapan ni PNP Chief Director Gen. Leandro Mendoza naganap ang bakbakan dakong alas-2:30 ng hapon sa Brgy. Lawak, Alcala.

Una rito ay nakatanggap ng impormasyon ang Pangasinan PNP na nakatakdang kidnapin ng grupo ang bise-alkalde ng bayan ng Alcala kaya nagsagawa ng pagbabantay ang mga awtoridad.

Sakay ang grupo ng mga suspek sa isang L-300 van galing ng Baguio City nang dumaan sa nasabing lugar at isailalim sa checkpoint ng mga tauhan ng Regional Mobile Group ng PRO-1 at Regional Intelligence Group-1.

Nang sitahin ay pumalag umano ang mga ito at agad pinagbabaril ang mga pulis na nagresulta sa pagpapalitan ng putok.

Dalawa sa napatay ang nakilalang sina Rolando Franco, sinasabing dating Marine trooper at nakatala bilang most wanted person sa Tarlac at isang alyas Dante na dating miyembro umano ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA). Bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng ibang napatay habang di pa mabatid kung may nasugatan sa panig ng pulisya.

Nakuha sa mga suspek ang mga armas na M-14 at M16 rifles, carbines at handguns.

Base sa rekord, ang Bagis Gang ay nakabase sa Baguio City ngunit may malawak na operasyon sa mga lalawigan ng La Union, Pangasinan at Tarlac.

Nabatid pa na ang grupo umano ay mga dating Marine troopers at CPLA rebels na nagsanib ng puwersa para sa illegal na mga aktibidades.

Matatandaan na sa pagdaraos ng PNP Day kamakalawa ay inatasan ng Pangulo ang kapulisan na trabahuhin ang pagdurog sa Pentagon kidnap gang habang ang military ang lalaban sa Abu Sayyaf. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ALCALA

BAGIS GANG

BAGUIO CITY

CHIEF DIRECTOR GEN

CORDILLERA PEOPLE

JOY CANTOS

LA UNION

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with