Ang paghingi ng paumanhin ni Mendoza kay Drilon ay ukol umano sa nakalimutang lagyan ng pangalan ang upuan ng pangulo ng senado sa nasabing anibersaryo.
Nang mabatid ni Drilon na walang nakalagay na pangalan sa kanyang upuan sa entablado at naroon bilang pangunahing pandangal si Pangulong Arroyo ay minabuti na lamang nitong umalis sa okasyon.
Minabuti nitong bumalik na lamang sa senado kung saan nagsasagawa nang pagdinig ang Mataas na Kapulungan sa kontrobersiyal na Balikatan 2002 at ang pyramid scam na kinasasangkutan ng G.Cosmos Philippines.
Inamin naman ni Drilon sa isang panayam sa telepono na siya ay nag-walkout sa nasabing okasyon at tinanggap naman nito ang pagkakamali ng PNP matapos humingi ng paumanhin ang PNP chief. (Ulat ni Rudy Andal)