^

Bansa

Drilon 'nabastos' nag-walkout sa anibersaryo ng PNP

-
Personal na humingi ng paumanhin kahapon si PNP chief Director-General Leandro Mendoza nang magtungo ito sa tanggapan ni Senate President Franklin Drilon matapos itong mag-walkout sa ginanap na ika-11 anibersaryo ng Philippine National Police kahapon ng umaga sa Camp Crame sa pag-aakalang "nabastos" siya sa okasyon.

Ang paghingi ng paumanhin ni Mendoza kay Drilon ay ukol umano sa nakalimutang lagyan ng pangalan ang upuan ng pangulo ng senado sa nasabing anibersaryo.

Nang mabatid ni Drilon na walang nakalagay na pangalan sa kanyang upuan sa entablado at naroon bilang pangunahing pandangal si Pangulong Arroyo ay minabuti na lamang nitong umalis sa okasyon.

Minabuti nitong bumalik na lamang sa senado kung saan nagsasagawa nang pagdinig ang Mataas na Kapulungan sa kontrobersiyal na Balikatan 2002 at ang pyramid scam na kinasasangkutan ng G.Cosmos Philippines.

Inamin naman ni Drilon sa isang panayam sa telepono na siya ay nag-walkout sa nasabing okasyon at tinanggap naman nito ang pagkakamali ng PNP matapos humingi ng paumanhin ang PNP chief. (Ulat ni Rudy Andal)

BALIKATAN

CAMP CRAME

COSMOS PHILIPPINES

DIRECTOR-GENERAL LEANDRO MENDOZA

DRILON

INAMIN

KAPULUNGAN

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with