Kaugnay nito ay inatasan ng Special Division si PNP Director General Leandro Mendoza na dalhin si Estrada sa nasabing petsa sa ganap na alas-9 ng umaga.
Ang kautusan ay nilagdaan nina Acting-Presiding Justice Minita Chico- Nazario, chairperson ng Special at Fifth Division, Associate Justices Edilberto Sandoval at Teresita Leonardo De Castro.
Nag-ugat ang kasong illegal use of alias sa paggamit ni Estrada ng alyas na "Jose Velarde"para umano maitago ang lihim na yaman nitong P3.2 bilyon account sa Equitable PCI-Bank.
Ang pagsasampa naman ng ikalawang perjury case ay dahil sa hindi tamang deklarasyon sa kanyang 1998 statement of asset and liabilities and net worth.
Tanging P 37.3 milyon lamang ang kayamanang ideneklara gayong iginiit ng prosekusyon na umaabot sa P57.1-M ang pag-aari nito sa nasabing taon. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)