^

Bansa

Arraignment ni Estrada sa 2 pang kaso itinakda

-
Sa darating na Pebrero 13, itinakda ng Sandiganbayan Special Division ang arraignment o pagbasa ng sakdal kay dating Pangulong Joseph Estrada para sa mga kasong illegal use of alias at ikalawang perjury case.

Kaugnay nito ay inatasan ng Special Division si PNP Director General Leandro Mendoza na dalhin si Estrada sa nasabing petsa sa ganap na alas-9 ng umaga.

Ang kautusan ay nilagdaan nina Acting-Presiding Justice Minita Chico- Nazario, chairperson ng Special at Fifth Division, Associate Justices Edilberto Sandoval at Teresita Leonardo De Castro.

Nag-ugat ang kasong illegal use of alias sa paggamit ni Estrada ng alyas na "Jose Velarde"para umano maitago ang lihim na yaman nitong P3.2 bilyon account sa Equitable PCI-Bank.

Ang pagsasampa naman ng ikalawang perjury case ay dahil sa hindi tamang deklarasyon sa kanyang 1998 statement of asset and liabilities and net worth.

Tanging P 37.3 milyon lamang ang kayamanang ideneklara gayong iginiit ng prosekusyon na umaabot sa P57.1-M ang pag-aari nito sa nasabing taon. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

ACTING-PRESIDING JUSTICE MINITA CHICO

ASSOCIATE JUSTICES EDILBERTO SANDOVAL

DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

FIFTH DIVISION

JOSE VELARDE

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

SPECIAL DIVISION

TANGING P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with