Pagbalik-balik ni Jinggoy sa Makati Med tuwing Biyernes pinagdududahan na
February 7, 2002 | 12:00am
Nagpahayag na kahapon ng pagdududa ang Sandiganbayan Special Division sa madalas na pagpapalipat ni dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa Makati Medical Center mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at natataon pang palaging araw ng Biyernes.
Dahil dito, inatasan ni acting Presiding Justice Minita Chico-Nazario, chairperson ng Special Division, si Dr. Lorenzo Jocson, personal physician ni Jinggoy na magsumite ng komprehensibong ulat sa loob ng 24-oras kaugnay sa sakit ng dating alkalde.
Ipinagtataka naman ni Associate Justice Edilberto Sandoval kung bakit tuwing Biyernes nangyayari ang pagpapalipat ni Jinggoy sa MMC na nakaka-apat na beses na.
Nais ng Special Division na tingnan kung lehitimo ang pagpapalipat ni Jinggoy sa MMC o pakana lamang ito upang makuha ang atensiyon ng publiko.
Nais ni Sandoval na sa VMMC na lamang isagawa ang pagsusuri sa puso ni Jinggoy upang maiwasan ang paglabas nito sa naturang ospital.
"Why he should be transferred to another hospital? Can you do that in VMMC to avoid the transfer of Jinggoy?" tanong ni Sandoval.
Sinabi ni Jocson na hindi pa tapos ang resulta ng isinasagawang pagsusuri kay Jinggoy na dinala sa MMC noong Biyernes dahil sa muling paninikip ng dibdib.
Subalit kinumpirma ni Jocson sa panayam na isa sa dahilan kung bakit lumalala ang sakit nito sa puso ay dahil sa patuloy na paninigarilyo at lakas nitong kumain.
Gayunman, ipinaliwanag naman ni Jocson na ang dalawang bisyo ng dating alkalde ay natural lamang sa isang tao na sobra ang tensiyon at stress kaya napapagbalingan ay paninigarilyo at malakas na pagkain na nagiging dahilan naman upang lumala ang sakit sa puso. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest