'Bayani' ng Marikina ipalit sa 'hero'ng NY
February 6, 2002 | 12:00am
Hindi na umano kailangan pang mag-import ng isang "hero" mula sa New York si Pangulong Arroyo para maging adviser niya dahil mayroon namang "Bayani" ang Marikina City.
Ayon kay Palawan Rep. Abraham Mitra, kayang-kayang gawin ni Marikina City Mayor Bayani Fernando na linisin ang mga kalsada sa Metro Manila mula sa mga basura at kriminal katulad ng ginawa nito sa Marikina City.
Mas magaling aniya si Mayor Fernando kaysa kay dating New York City Mayor Rudolf Giuliani na tinaguriang "Man of the Year" ng Time Magazine.
Nagawa umanong maipatupad ng maayos ni Fernando ang batas sa Marikina at nakuha pa nito ang kooperasyon ng lahat ng residente ng kanyang siyudad.
Naniniwala si Mitra na kayang gawin ni Fernando sa Metro Manila ang ginawa nito sa Marikina sakaling mabigyan siya ng pagkakataon. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended