Camacho pinagbibitiw sa PEACe bond scam
February 6, 2002 | 12:00am
Nanawagan kahapon si Sen. Loi Estrada kay Finance Secretary Jose Isidro Camacho na magbitiw na ito sa tungkulin dahil sa umanoy pagkakasangkot nito sa maanomalyang Poverty Alleviation Certificates (PEACe) bonds.
Sinabi ni Estrada na ang pagbubunyag ni National Treasurer Sergio Edeza sa ginanap na pagdinig kahapon ng Senate committee on finance na kasama si Camacho sa meeting ng Caucus Development for NGO Networks (Code-NGO) at iba pang opisyal ng gobyerno para ayusin ang gusot hinggil sa PEACe bond deal ay nakaapekto na sa kredibilidad ng kalihim bilang public servant.
Ipinunto ng senadora ang umanoy pagsisinungaling ni Camacho dahil patuloy nitong ginigiit na wala siyang kinalaman at hindi siya kasama sa mga naging diskusyon ng Code-NGO na pinamumunuan ng kanyang kapatid na si Ma. Socorro Camacho-Reyes hinggil sa PEACe bond.
Pero, natuklasan sa Senado ang umanoy pakikipagsabwatan ng magkapatid upang maipalabas ang halagang P35 bilyong na nakorner ng Code-NGO kaya nalugi ang pamahalaan ng P5 bilyon sa kita matapos aminin ni Edeza na nakipagpulong si Camacho sa kapatid nitong si Reyes habang tinatalakay ang pagpapalabas ng P35 bilyong PEACe bonds na ginanap sa Department of Finance, taliwas sa testimonya ng kalihim na nag-inhibit siya sa deliberasyon nito.
Samantala, sinabi naman ni Sen. John Osmeña na sakaling mapatunayan na ginamit ni Camacho ang kanyang impluwensiya upang aprubahan ang ideya ng Code-NGO hinggil sa PEACe bond ay maaari itong sampahan ng kasong graft. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended