Camp Aguinaldo sinugod ng mga ralista
February 5, 2002 | 12:00am
Dumagsa kahapon ang mga militanteng grupo sa Camp Aguinaldo na lantarang iprinotesta ang kanilang mahigpit na pagtutol sa presensiya ng mga sundalong Amerikano sa bansa kaugnay ng isinasagawang Balikatan RP-US joint military exercise sa Mindanao.
Bumungad ang mga ralista mula sa Citizen Action Party ng Akbayan sa Gate 2 ng AFP headquarters at bagaman naging mapayapa ay walang tigil ang kasisigaw ng mga ito upang itaboy umano ang US troops dahilan illegal at isa umanong paglabag sa itinatadhana ng Konstitusyon ang naturang joint military exercise.
Ayon sa mga protesters, malinaw na pagyapak umano ito sa kakayahan ng mga sundalong Filipino na masugpo ang banta na dulot ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).
Ibinunyag pa ng Akbayan na ang kasalukuyang joint military exercise, na binansagang "Kalayaan Aguila 2002" ay wala sa listahan ng mga aprubadong pagsasanay sa ilalim ng umiiral na Visiting Forces Agreement (VFA).
Anila, ang VFA ay nagpapahintulot lamang sa maikling panahon ng pagsasanay at hindi sa tuwirang pakikialam ng Amerika sa responsibilidad ng Sandatahang Lakas na sadya umanong nangyayari bagamat itinatago sa World Trade Center sa New York noong nakaraang taon.
Ayon sa grupo, kung mananatiling nakasandal sa US Armed Forces ang pamahalaan para sugpuin ang ASG, ay wala nang kredibilidad na nalalabi ang AFP at sa pangkalahatang katatagan ng administrasyon ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended