Pagbisita ng Papa pinaghahandaan

Pinaghahandaan na ng Simbahang Katoliko ang ikatlong pagbisita sa bansa ni Pope John Paull II sa Enero 2003.

Sa ginanap na pulong na dinaluhan nang lahat nang 120 miyembro ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa Tagaytay City, nakatakdang dumalo ang Pope sa 4th World Meeting of Families, isang okasyong nilikha at inorganisa ng Pontifical Council for the Family sa Vatican.

Ang selebrasyon na ginaganap tuwing ikatlong taon ay may temang "The Christian Family Good News for the Third Millennium."

Ang unang World Meeting ay ginanap sa Rome noong 1994; sa Rio de Janeiro noong 1997 at ikatlo ay ginawa kaalinsabay ng Great Jubilee Year sa Rome noong October 2000. (Ulat ni Mayen Jaymalin)

Show comments