PEACe bond malayo sa Muslim Foundation ni Erap
February 4, 2002 | 12:00am
Malaki ang pinag-iba ng Muslim Foundation ng pinatalsik na Pangulong Estrada kumpara sa Poverty Eradication and Alleviation Certificates (PEACe) Bonds na isinusulong ngayon ng Code-NGO.
Ito ang sinabi kahapon ni Beth Yang ng PILIPINA, isa sa pinakamalaking organisasyong pangkababaihan sa bansa, bilang pagtatanggol sa Code-NGO na patuloy na ginigipit ngayon ng mga pro-Erap at opposition senators.
Ayon kay Yang, walang karapatan sina Sen. Tessie Aquino-Oreta at ang magpinsang senador na sina Serge at John Osmeña na gipitin ang Code-NGO dahil ang layunin nito ay para lamang mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap na mamamayang Pilipino.
Aniya, kung talagang pagkalkal ng anomalya ang layunin ng tatlong senador, higit dapat na pagtuunan ng pansin ng mga ito ang naganap na kabulastugan sa pagbigay naman ng pondo sa Muslim Foundation na nooy itinatag ni Estrada.
"Malaki ang ipinag-iba sa Erap-Muslim Foundation dahil itinayo ito mula sa dirty money samantalang ang PEACe Bonds ay para talaga sa mahihirap," dagdag pa nito.
"Ang hirap kasi kapag illegal pinagtatakpan basta mayroong pakinabang, pero kapag legal, kahit na para sa mahirap, pilit namang hinahanapan ng butas," pahayag naman ni Ka Poneng Tolentino, lider-maralita ng Adhikaing Kilusan ng Ordinaryong Tao (AKO).
Nanawagan rin ito sa mga senador na umaangkas sa isyu na huwag sanang gipitin pa ang PEACe Bonds dahil lalo lamang umanong napupurnada ang inaasam na proyekto ng mayoryang mahihirap.
"Pagkakataon na ng mahihirap na mapabilang sa anti-poverty program ng pamahalaan, huwag na sana kaming gipitin pa," sabi pa nito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest