^

Bansa

Oreta, inggit sa PEACe bonds

-
Inggit lamang umano ang mga opposition senators kaya pilit nilang hinahanapan ng butas ang Poverty Eradication and Alleviation Certificates (PEACe) Bonds na isinusulong ngayon ng Code-NGO para na rin sa kapakanan ng mahihirap sa bansa.

Ito ang sinabi ni Ric Domingo ng Community Mortgage Program (CMP Network), isang samahan ng maralitang tagalunsod, bilang reaksiyon sa sinabi ni Sen. Tessie Aquino-Oreta na peke ang Code-NGO kaya’t walang karapatan ang mga ito na hawakan ang PEACe bonds.

Ayon kay Domingo, lumilitaw na ang inggit sa katawan ni Oreta dahil unti-unti nang nakikita ng mamamayang Pilipino kung sino talaga ang tunay na makamahirap o hindi.

Sinabi ni Domingo na marami nang magagandang proyektong naipatutupad ang Code-NGO at ang lahat nang ito’y tunay na napapakinabangan ng mahihirap. Bukod dito, ang Code-NGO na rin ang umagapay sa mga iniwanang proyekto na dati’y pinopondohan ng USAID.

Sinabi naman ni Beth Yang ng PILIPINAS, isa sa pinakamalaking organisasyong pangkababaihan sa bansa, imposibleng hindi kilala ni Oreta ang Code-NGO dahil panahon pa ng demonstrasyon kontra sa rehimeng Marcos kilala na ng senadora ang grupong ito.

Nanawagan din ang PILIPINAS sa mga opposition at pro-Erap senators na maging patas sa usapin ng PEACe bonds dahil walang tiyak na naapektuhan dito kundi ang mga maralitang Pilipino. (Ulat ni Rudy Andal)

BETH YANG

COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM

DOMINGO

ORETA

PILIPINO

POVERTY ERADICATION AND ALLEVIATION CERTIFICATES

RIC DOMINGO

RUDY ANDAL

SINABI

TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with