Masa isinaksakripisyo ng oposisyon
February 1, 2002 | 12:00am
Mamamayang Pilipino na ang direktang naaapektuhan sa nangyayaring "circus" sa Senado kaugnay sa panggigipit ng opposition senators sa mga namumuno sa likod ng pag-isyu at pagbili ng Poverty Eradication and Alleviation Certificates (PEACe) Bonds.
Ayon kay Roy Oliveros ng Federation of Free Workers, halatang sumasakay na lamang sa isyu sina Sen. Tessie Aquino-Oreta at ang magpinsang Senator Osmeña (John at Serge) para lamang pagpiyestahan ang legalidad ng PEACe Bonds.
Isa sa ibinubutas ng mga opposition senators ay magkapatid umano sina Finance Secretary Jose Camacho at Marissa Camacho-Reyes na siyang secretary general naman ng Code-NGO, ang organisasyong nag-initiate para sa PEACe Bonds.
Ipinagtanggol naman ni economist at UP Prof. Winnie Monsod ang PEACe Bonds sa pagsasabing sa halip na silipin ang ilang "gusot" dito ay dapat pang papurihan umano ang Code-NGO dahil sa hindi matawarang pag-iisip para lamang mapaganda ang anti-poverty program ng bansa.
Sa radio interview, binara ni Monsod si Puwersa ng Masa (PnM) spokesman Boying Remulla sa pagsasabing legal ang lahat ng requirement na nakuha ng Code-NGO para makuha ang bidding ng PEACe Bonds sa tulong na rin ng RCBC Bank.
Ito ay matapos tahasang tinawag ni Remulla na conspiracy ng mga malalakas sa pamahalaang Arroyo ang Code-NGO.
Ayon kay Remulla, malinaw umanong may sabwatang nangyari sa pagkakabenta ng PEACe bonds lalot wala namang benepisyong nakuha rito ang gobyerno at tanging ang Code-NGO at mga consultants nito ang kumita ng komisyon.
Samantala, nagpahayag si House Minority Leader Carlos Padilla na nais ng mga kasamahan niyang kongresista na magsimula ng sariling imbestigasyon ang Kamara kaalinsabay ng kasalukuyang ginagawa ng Senate finance committee upang mabatid kung kumita ba o hindi ng P1.5 billion ang Code-NGO mula sa bentahan ng Peace Bonds na iniisyu ng gobyerno. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am