Ayon kay Adan, tanging ang pormal na pagbubukas lamang o opening ceremony ng Balikatan ang pansamantalang ipinagpaliban dahil hinihintay pa ang binagong "term of reference."
Sinabi ni Adan na walang nabago sa plano at schedule ng Balikatan war games na inaasahang magsisimula sa una at pangalawang Linggo ng Pebrero taong ito.
Ang Balikatan ay lalahukan nang may 660 US troops kabilang ang 160 Special Forces na ide-deploy sa Basilan habang may 1,200 naman sa tropa ng mga sundalong Pilipino.
Nabatid na gumugol ang US government ng $20M para lamang sa unang bahagi ng Balikatan habang naglaan naman ang AFP ng P3.5M budget para dito. (Ulat nina Lilia Tolentino at Joy Cantos)