^

Bansa

Balikatan tuloy

-
Tuloy ang Balikatan exercises sa Mindanao at ang inantala lamang ay ang opening ceremony na nakatakda sana ngayong araw na ito. Ito ang nilinaw kahapon ni AFP Spokesman Gen. Edilberto Adan kaugnay ng mga espekulasyong kinansela ang RP-US joint military exercises dahil sa isinampang protesta sa Korte Suprema ng ilang militanteng grupo.

Ayon kay Adan, tanging ang pormal na pagbubukas lamang o opening ceremony ng Balikatan ang pansamantalang ipinagpaliban dahil hinihintay pa ang binagong "term of reference."

Sinabi ni Adan na walang nabago sa plano at schedule ng Balikatan war games na inaasahang magsisimula sa una at pangalawang Linggo ng Pebrero taong ito.

Ang Balikatan ay lalahukan nang may 660 US troops kabilang ang 160 Special Forces na ide-deploy sa Basilan habang may 1,200 naman sa tropa ng mga sundalong Pilipino.

Nabatid na gumugol ang US government ng $20M para lamang sa unang bahagi ng Balikatan habang naglaan naman ang AFP ng P3.5M budget para dito. (Ulat nina Lilia Tolentino at Joy Cantos)

vuukle comment

ADAN

ANG BALIKATAN

AYON

BALIKATAN

EDILBERTO ADAN

JOY CANTOS

KORTE SUPREMA

LILIA TOLENTINO

SPECIAL FORCES

SPOKESMAN GEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with