Extradition ng mga Pinoy hihingin ni GMA
January 29, 2002 | 12:00am
Posibleng hingin ni Pangulong Arroyo sa pamahalaang Canada ang pagpapabalik sa bansa ng mga Pilipinong pumuga sa Pilipinas at nagtungo doon para takasan ang kanilang mga kaso dito na kinilalang sina Rodolfo Pacificador, Dewey Dee at Caridad Cabalsa. Si Pacificador ay sangkot sa kasong pagpaslang kay Antique Governor Evelio Javier habang di nabanggit ang kasong kinasangkutan ng dalawa pa. Nakatakdang dumating ngayon sa Canada ang Pangulo mula sa kanyang pagbisita sa London. Makikipagdayalogo rin ito sa mga negosyante at Pilipinong residente sa Canada bago siya magtuloy sa New York upang dumalo sa World Economic Summit. (Ulat ni Lilia Tolentino)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended