Tiwala rin siya na sa kanyang pag-alis para sa sampung araw na pagbisita sa US, Canada at London ay nasa mabuting kamay ang bansa.
Kumpiyansa ang Pangulo na walang magaganap na anumang tangkang destabilisasyon habang siya ay wala.
Samantala, binuweltahan ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) ang patutsada ng Pangulo na walang "utak" o I.Q. si dating pangulong Estrada at peke ang EDSA 3 dahil pulos bayaran o "hakot crowd" ang nagsidating doon.
Ayon kay PMP spokesman Jesus Crispin Remulla, ang mga tinuran ng Pangulo ay patunay lamang nang pagiging mayabang ng pag-uugali ng Presidente at malinaw na produkto ng isang magulong pag-iisip at sampal din sa mga kaalyado nito tulad nina Mrs. Cory Aquino at Cardinal Sin at maging si dating Pangulong Magsaysay.
Ayon pa kay Remulla, kung ang isang taong popular at malapit sa masa ay nangangahulugan na kapos sa IQ, para aniyang sinasabi na rin ni Mrs. Arroyo na wala ring I.Q. sina dating Pangulong Magsaysay at Aquino. (Ulat nina Lilia Tolentino at Ely Saludar)