^

Bansa

Kumbaga sa boksing, GMA tatagal ng 15 rounds

-
Tiniyak ni Pangulong Arroyo na matatapos niya ang kanyang termino hanggang taong 2004 dahil tulad ng batikang boksingero na si Muhammad Ali, kapag nakikipagsagupa siya ay tinatapos niya ang laban na 15 rounds.

Tiwala rin siya na sa kanyang pag-alis para sa sampung araw na pagbisita sa US, Canada at London ay nasa mabuting kamay ang bansa.

Kumpiyansa ang Pangulo na walang magaganap na anumang tangkang destabilisasyon habang siya ay wala.

Samantala, binuweltahan ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) ang patutsada ng Pangulo na walang "utak" o I.Q. si dating pangulong Estrada at peke ang EDSA 3 dahil pulos bayaran o "hakot crowd" ang nagsidating doon.

Ayon kay PMP spokesman Jesus Crispin Remulla, ang mga tinuran ng Pangulo ay patunay lamang nang pagiging mayabang ng pag-uugali ng Presidente at malinaw na produkto ng isang magulong pag-iisip at sampal din sa mga kaalyado nito tulad nina Mrs. Cory Aquino at Cardinal Sin at maging si dating Pangulong Magsaysay.

Ayon pa kay Remulla, kung ang isang taong popular at malapit sa masa ay nangangahulugan na kapos sa IQ, para aniyang sinasabi na rin ni Mrs. Arroyo na wala ring I.Q. sina dating Pangulong Magsaysay at Aquino. (Ulat nina Lilia Tolentino at Ely Saludar)

AYON

CARDINAL SIN

ELY SALUDAR

JESUS CRISPIN REMULLA

LILIA TOLENTINO

MASANG PILIPINO

MRS. ARROYO

MRS. CORY AQUINO

PANGULO

PANGULONG MAGSAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with