RP inalerto sa 5 terorista ng Al-Qaeda
January 25, 2002 | 12:00am
Inalerto kahapon ng US State Department ang Philippine Immigration authorities laban sa pagpasok sa bansa ng limang suspected Al-Qaeda members na pinaniwalaang sangkot sa Sept. 11 terrorist attacks sa Estados Unidos.
Kinilala ang lima na sina Abd-Rahim, Muhammad Said Ali Hasan, Khalid Ibn Muhammad Al-Juhani, Ramszi Binalshhibh at isang Middle Eastern national na hindi nakuha ang pangalan.
Nagpalabas rin ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng litrato ng limang wanted terrorists kalakip ang request na agad isailalim sa custody ang mga ito sa sandaling dumating sa bansa.
Bilang pagtalima ay agad namang iniutos ni BI Commissioner Andrea Domingo ang pagpapaskil ng mga litrato sa bawat immigration counter sa Ninoy Aquino International Airport at sa limang iba pang international ports of entry. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended