"The Presidents legal adviser gave the opinion that the President has valid authority to decide, therefore regardless of any feeling that I have we have to respect the official stand of the Department of Justice," ani Guingona kasabay ng pahayag na hindi siya nagbitiw bilang kalihim ng DFA.
Hindi naman kuntento si Sen. Rodolfo Biazon sa resulta ng ginanap na pulong dahil sandali lamang ang miting at hindi pa rito lubusang natalakay at naliwanagan ang tunay na sadya ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas.
Kahit anya binigyang-diin sa miting na talagang bahagi lamang ng joint military exercises ang pagdating ng mga US troops sa Pilipinas ay marami namang katanungan ang hindi nasagot tulad na lamang nang kung bakit sa Basilan pa dinala ang mga ito at kung bakit bibigyan din ang mga ito ng live ammunitions.
Sinabi ni Biazon na mabuti na lamang at may gaganaping pagdinig ngayong araw ang joint committees on national defense at foreign relations hinggil sa Balikatan exercises kaya maaari pa niyang mabusisi ang layunin ng pagdating ng tropang Amerikano.
Kaya mahalaga anyang makadalo sa pagdinig ngayong umaga si Guingona upang magbigay linaw sa isyu. (Ulat nina Rudy Andal at Lilia Tolentino)