Barangay, SK polls elections pagsasabayin
January 23, 2002 | 12:00am
Inirekomenda kahapon ng Commission on Elections (Comelec) sa House committee on Suffrage and Electoral Reforms na pagsabayin na lamang ang pagdaraos ng halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa darating na Mayo dahil mas makakatipid dito ang pamahalaan.
Ayon kay Comelec Commissioner Resurrecion Borra, isang linggo lamang ang pagitan ng Barangay at SK elections at mas makabubuting gawin ito ng magkasabay upang hindi na magpabalik-balik ang mga botante at hindi rin masyadong mapagod ang mga kawani ng Comelec at mga gurong itatalaga sa halalan.
Ang SK elections ay itinakda sa Mayo 6, samantala ang Barangay elections ay Mayo 13.
Sinabi ni Borra na kakayanin ng Comelec ang pagdaraos ng sabay na eleksiyon at nasa kapasyahan na ng Kongreso kung kailan itatakda ang magkasabay na halalan. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am