Ang pahayag ay ginawa ni Senador Blas Ople matapos niyang makita na ito na ang tamang panahon upang pag-usapan ang naturang isyu upang sa gayon ay hindi magipit ang mga mambabatas.
Sinabi ni Ople na siyang chairman ng senate committee on foreign relations at may akda ng panukalang batas na matagal na niya itong isinusulong para sa gayon ay mabigyan ng daan ang mga Pinoy na nasa ibang bansa na maging bahagi ng pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.
Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi lumulusot sa kongreso ay dahilan sa nangangamba ang mga mambabatas na mapulitika ang Department of Foreign Affairs (DFA) na siyang mangangasiwa ng pagsasa-ayos ng botohan sa ibayong dagat at siyang magpapadala ng resulta sa Comelec.(Ulat ni Rudy Andal)