Sinabi ni Oreta na isang malaking sampal sa direktiba ng NTC na nakapailalim sa DOTC ang hindi pagsunod ng Smart at Globe na gamitin nito ang per-pulse billing scheme na siyang nakapaloob sa NTC Circular No. 13-6-2000.
Inutil na anya si Alvarez sa pagpapasunod kay Rio dahilan sa kahit na lantaran ang paglabag na ginagawa ng mga ito sa mismong isinasaad ng kanilang binuong alituntunin ay wala itong magawa.
Hindi na anya nakapagtataka kung bakit hindi binibigyan ng puwang ng kanyang mga kasamahang mambabatas na palusutin si Alvarez sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) dahilan sa dami ng kapalpakan.
May direktiba na ang Court of Appeals na legal na maipatutupad ng NTC ang kanilang direktiba sa Smart at Globe upang bumaba ang singil ng voice calls ngunit hindi ito kumikilos at maging si Alvarez ay walang ginagawa sa harap-harapang pambabastos sa kanya ni Rio.
Kamakailan lamang ay binawasan na naman ng dalawang cellphone giants ang kanilang free text ng panibagong 33 porsiyento na nag-iwan na lamang ng 33 free text sa kanilang mga subscribers at balak pa nitong itaas pa ang presyo ng kanilang text sa P3.
Ang pag-disiplina mga kumpanyang ito ay nasa kamay ng NTC na siyang dahilan kung bakti sila ay binuo ng pamahalaan upang pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan at hindi ng mga kumpanyang kumukuha sa kanila ng lisensiya.
Dahilan sa lumalabas na weakest link sina Alvarez at Rio sa Arroyo administration, dapat na nitong sabihan ng goodbye ang dalawang opisyal dahilan sa malamang sa masundan pa ang mga kapalpakan ng mga ito. (Rudy Andal)