Indonesian terrorist natiklo
January 19, 2002 | 12:00am
Bumagsak sa magkakasanib na operatiba ng militar at pulisya ang isang Indonesian terrorist na hinihinalang may koneksiyon sa Al-Qaeda network ni Saudi billionaire Osama bin Laden at sangkot sa serye ng pambobomba sa Metro Manila mahigit isang taon na ang nakalilipas.
Si Fathur Rohman Al-Ghozi alyas Abu Saad ay nadakip sa isinagawang raid sa hideout nito sa Quiapo, Maynila ng mga operatiba ng Army Intelligence, PNP at mga ahente ng Bureau of Immigration and Deportation.
Nasamsam dito ang toneladang mga eksplosibo na hinihinalang gagamitin pa ng teroristang grupo nito sa pambobomba sa bansa.
Nabatid na ang suspek ay wanted rin sa bansang Malaysia at sinasabing miyembro ng "Jemaah Islamiyah" na may malawak na koneksiyon sa buong Southeast Asian countries.
Sa interogasyon kay Al-Ghozi, ibinunyag nito na ilegal siyang pumuslit sa Pilipinas upang kumuha ng mga bomba kung saan nakakakuha umano siya ng 1,100 kilograms ng eksplosibo sa isang kontak ng kanilang grupo sa Cebu City.
Ang naturang mga eksplosibo na gagamitin umano sa terrorism activity ay ibiniyahe nila mula sa Cebu City hanggang sa isang hideout nila sa General Santos City.
Sa isinagawang follow-up operations kamakalawa ay naaresto ang tatlo pang kasabwat nitong teroristang Muslim na sina Mohamad Malagat, Alimuctan Malagat at Mualidin Malagat sa raid naman sa General Santos City.
Nakumpiska dito ang 17 M16 rifles, 300 piraso ng detonators, 50 kahon ng TNT explosives (48 piraso bawat kahon) at anim na roll ng detonating cord.
Inamin din ng suspek na konektado sila sa radical group na MILF kaya sinisilip ng militar ang posibilidad na matagal nang tumutulong ang grupo ng mga suspek sa rebel group sa aktibidad na terorismo ng mga ito sa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended