^

Bansa

Bigkis Pinoy, RAM nag-alyansa vs coup

-
Tuluyan nang tinalikuran ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) na makisangkot pa sa usaping kudeta matapos itong makipag-alyansa sa nangungunang non-government organization na Bigkis Pinoy na humihiling ng kapayapaan at pagkakaisa ng sambayanan.

Nakatakdang magsama ang puwersa ng dalawang grupo at pagtitibayin ang samahang ito sa gaganaping Joint Declaration for Unity, Peace and National Renewal signing bukas, Enero 19 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City sa alas-4 ng hapon

Layunin ng Bigkis Pinoy at RAM na matamo ang pagkakaisa, kapayapaan, pag-unlad ng ekonomiya at pagbabago. Ang Bigkis Pinoy na may mahigit 200,000 miyembro sa buong bansa ay nagkakaloob ng livelihood opportunities sa maralitang Pinoy.

Ayon kay retired Commodore Domingo Calajate, chairman ng RAM’s executive committee, ang joint declaration ng Bigkis Pinoy at RAM ay magsisilbing plataporma para sa mga Filipino sa panawagan nila na iprayoridad ang interes ng masa at itigil na ang pagbabangayan ng mga pulitiko na wala namang mabuting naidudulot sa pagsulong ng bansa.

Idineklara ni Calajate na ang RAM ay bahagi na ngayon ng mainstream at hindi na makikilahok sa anumang kudeta. Ang RAM, na orihinal na tinawag na Reform the Armed Forces Movement, ay gumanap ng malaking papel sa makasaysayang EDSA People Power uprising na nagpatalsik sa Marcos dictatorship noong 1986.

Sa panig naman ni Edward King, executive director ng Bigkis Pinoy, kinausap nila ang RAM na makiisa sa kanilang panawagan para sa isang mahusay na pamahalaan na matatamo lamang sa pamamagitan ng isang tapat at mahusay na judiciary, professional armed forces at isang gobyerno na binubuo ng nagkakaisang administration at opposition leaders na ang mga patakaran at programa ay para sa tao. "Tao muna bago pulitika," dagdag pa ni King.

ANG BIGKIS PINOY

BIGKIS PINOY

COMMODORE DOMINGO CALAJATE

CUNETA ASTRODOME

EDWARD KING

JOINT DECLARATION

PASAY CITY

PEACE AND NATIONAL RENEWAL

PEOPLE POWER

RAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with