Request ni Nur inisnab ng SC
January 16, 2002 | 12:00am
Tinanggihan ng Supreme Court (SC) en banc ang petisyong habeas corpus na isinampa ni dating ARMM Governor Nur Misuari na humihiling na makalabas siya ng bilangguan at gawin sa Jolo, Sulu ang paglilitis sa kanyang kasong rebelyon.
Nabatid sa resolution na ipinalabas ng SC, inuutusan nito ang DOJ na siyang magpaliwanag kung bakit hindi nararapat na pagbigyan ang nasabing kahilingan ni Misuari.
Sa argumento ni Misuari, iligal umano ang pagkakaaresto sa kanya dahil walang warrant of arrest na dala ang PNP nang siya ay sunduin at iturn-over ng pamahalaang Malaysia sa bansang Pilipinas.
Subalit nilinaw ng DOJ na kahit hindi dala ng PNP ang arrest warrant ay mananatili pa rin itong ligal basta may ipinalabas ang hukuman laban sa akusadong aarestuhin.
Nakasaad din sa request na bigyan siya ng lap top computer at printer, isailalim siya sa medical check-up at media access. Subalit ang lahat nang ito ay tinutulan ng DOJ. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended