Sa isang panayam, sinabi ni Edgardo Orencia, tariff manager ng Napocor, ang naturang increase ay bunsod ng 12 percent na requirement ng mga foreign creditors na binabayaran ng Napocor.
Transmission rates lamang anya ang kanilang itinaas ng singil dahil ito ay regulated pa samantalang yung generation rates ay deregulated na.
Sinabi rin ni Orencia na naging malaki ang tulong ng pinagtibay na Electric Power Industry Act o RA 9136 sa Pilipinas dahilan sa pagkakasabatas nito, hindi na nagtaasan pa ang ibat ibang serbisyo ng Napocor tulad ng file rates, unbundled rates, bundle rates, supply and metering at iba pa.
Ipinahiwatig naman ni Orencia na sa pagdaragdag ng singil ng kuryente, inaasahan naman na higit na magiging maganda ang supply ng kuryente sa Luzon area dahil bubuksan na ang Malampaya Natural Gas Plant sa Palawan na may 3,000 megawatt na kapasidad ng kuryente.
May 4,200 megawatt na suplay ng kuryente ang kailangan ng mga consumers ng Napocor sa isang araw samantalang 4,500 megawatt na kuryente ang maaaring isuplay ng Napocor sa mga electric consumers kada araw. (Ulat ni Angie dela Cruz)