^

Bansa

Singil sa kuryente tataas ng 17 sentimos - Napocor

-
Tataas ng may hanggang 17 sentimos bawat kilowatt hour ang singil ng kuryente ng National Power Corporation (Napocor) na inaasahang maipatutupad sa buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan.

Sa isang panayam, sinabi ni Edgardo Orencia, tariff manager ng Napocor, ang naturang increase ay bunsod ng 12 percent na requirement ng mga foreign creditors na binabayaran ng Napocor.

Transmission rates lamang anya ang kanilang itinaas ng singil dahil ito ay regulated pa samantalang ’yung generation rates ay deregulated na.

Sinabi rin ni Orencia na naging malaki ang tulong ng pinagtibay na Electric Power Industry Act o RA 9136 sa Pilipinas dahilan sa pagkakasabatas nito, hindi na nagtaasan pa ang iba’t ibang serbisyo ng Napocor tulad ng file rates, unbundled rates, bundle rates, supply and metering at iba pa.

Ipinahiwatig naman ni Orencia na sa pagdaragdag ng singil ng kuryente, inaasahan naman na higit na magiging maganda ang supply ng kuryente sa Luzon area dahil bubuksan na ang Malampaya Natural Gas Plant sa Palawan na may 3,000 megawatt na kapasidad ng kuryente.

May 4,200 megawatt na suplay ng kuryente ang kailangan ng mga consumers ng Napocor sa isang araw samantalang 4,500 megawatt na kuryente ang maaaring isuplay ng Napocor sa mga electric consumers kada araw. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

EDGARDO ORENCIA

ELECTRIC POWER INDUSTRY ACT

HUNYO

IPINAHIWATIG

MALAMPAYA NATURAL GAS PLANT

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

ORENCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with