6,664 pumasa sa NAPOLCOM promotional exam
January 9, 2002 | 12:00am
Inihayag na ng National Police Commission (NAPOLCOM) na may 6,664 successful examinees ang pumasa mula sa kabuuang bilang na 19,258 na nagsikuha ng promotional at entrance examinations nitong Oktubre 2, 2001 sa Metro Manila at sa lahat ng testing centers sa buong bansa.
Ayon kay Vice-Chairman Rogelio A. Pureza, 52, examinees ang pumasa sa pagsusulit sa ranggo ng Police Superintendent, 169 sa Police Inspector, 424 sa Senior Police Officer at 1,520 para sa Police Officer.
Nabatid pa sa nasabing opisyal na 4,499 lamang mula sa 14,136 o may 31.83 porsiyento lang ang pumasa sa qualifying entrance test para sa ranggo ng SPO1 hanggang SPO4; Police Inspector, Inspector, Senior Inspector at Chief Inspector at Police Superintendent, Superintendent, Senior Superintendent at Chief Superintendent sa bahay ng Philippine National Police (PNP).
Sinimulan na ng nasabing ahensiya ang pagpapadala ng indibiduwal na reports ratings sa bawat nagsikuha ng pagsusulit at ito ay matatanggap nila sa pamamagitan ng koreo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest