^

Bansa

Special Division balak sa plunder case ni Erap

-
Pabor si Associate Justice Narciso Nario, chairman ng Fourth Division sa posibleng rekomendasyon ng Supreme Court na bumuo ng isang espesyal na dibisyon na lilitis sa P4.1 plunder case ni dating Pangulong Estrada sa halip na muling i-raffle ang nasabing kaso.

Sinabi ni Nario na walang patutunguhan ang kaso ni Estrada kung mapupunta lamang ito sa isang dibisyon na pawang malapit nang magretiro ang mga mahistrado.

Importante rin anyang maging kasapi ng bubuuing dibisyon ang mga mahistradong may tatlo hanggang apat na taon pang nalalabi sa serbisyo upang masiguro na matatapos ang kaso ni Estrada.

Hindi naman umano kailangang muling umpisahan ang paglilitis dahil magiging kasapi ng dibisyon si Associate Justice Teresita Leonardo de Castro.

Si de Castro ang kasalukuyang acting chairperson ng Third Division na humahawak sa plunder case, illegal use of alias at perjury case ni Estrada.

Tiyak umanong kukunin sa special division ang mga batang justices upang masiguro na matatapos ng mga ito ang paglilitis sa kaso ni Erap.

Nag-ugat ang ideya na bumuo ng special division matapos magkaroon ng bakanteng posisyon ang mga mahistrado ng Third Division. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE NARCISO NARIO

ASSOCIATE JUSTICE TERESITA LEONARDO

ERAP

FOURTH DIVISION

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NARIO

PABOR

PANGULONG ESTRADA

SUPREME COURT

THIRD DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with