^

Bansa

Marcelo nasa bansa pa - BI

-
Tiniyak kahapon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Andrea Domingo na hindi makakapuslit palabas ng bansa ang controversial businessman na si Pacifico Marcelo at iba pang foreigners na may nakabinbin na kaso sa Pilipinas .

Naglunsad ng isang manhunt operations ang immigration para hanapin si Marcelo matapos mapagalaman na illegal alien ito at isnabin ang imbitasyon ng bureau na magpakita ito ng mga dokumento para pasinungalingan na hindi siya US citizen .

Samantala, sinabi ni Tom Natividad, BI Senior Intelligence officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) maliban anya kay Marcelo binabantayan nila ang grupo nina Zhang Du, Znag Xiwang, Xu You Kawang, Shi Jian Hui, Wu Lim, Lim Jiang Fem at Shi Cun Qi ang mga ito ay sinasabing kumidnap kay Jacky Rowena Tiu, isang Filipino-Chinese .

Ayon kay Domingo ang mga nasabing Intsik ay hindi pinayagan makalabas ng Pilipinas sa kahilingan nina Department of Local Government (DILG) Secretary Joey Lina at Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza .

Napag-alaman na ang watchlist order ay ipinalabas sa mga nabanggit na intsik matapos umanong hilingin ng People’s Republic of China sa pamahalaan na palayain ang ilan sa mga ito . (Ulat ni Butch M. Quejada)

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH M

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

DEPARTMENT OF LOCAL GOVERNMENT

JACKY ROWENA TIU

LIM JIANG FEM

MARCELO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PACIFICO MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with