^

Bansa

News blackout sa Cervantes

-
Pinatutupad umano ngayon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Southern Police District Office (SPDO) ang "new blackout" hinggil sa imbestigasyon sa kaso ng pamamaslang kay Young Officers Union (YOU) spokesperson, Capt. Alexander Baron Cervantes.

Ayon sa isang opisyal ng SPD na tumangging magpabanggit ng pangalan, nagpalabas ng mahigpit na kautusan si NCRPO Director Gen. Edgar Aglipay na huwag munang magbibigay ng anumang impormasyon sa media na may kaugnayan sa isinasagawang imbestigasyon sa Cervantes murder at inatasan nito si SPD director, Chief Supt. Jose "Sonny" Gutierrez na huwag mag-li-leak ng anumang impormasyon sa mga mamamahayag.

Gayundin si Dante Jimenez, chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ay sinabihan umano ni Aglipay na huwag magsasalita sa media tungkol sa ibinigay ni Pastor Boy Saycon, chairman ng Council on Philippine Affair (COPA).

Nabatid na ang mga dokumentong ibinigay ni Cervantes kay Saycon noong nabubuhay pa ang una ay isa sa mga ebidensiyang itinatago ngayon ng PNP na inaasahang makapagbibigay linaw sa ikalulutas ng kaso nito.

Iniiwasan umano ng pulisya na makasagabal sa kanilang imbestigasyon ang anumang impormasyon na na-li-leak sa media kaya ipinatutupad ang news blackout sa nasabing kaso.

Magugunita na binantaan ang hepe ng Investigation Division ng Las Piñas police na isusunod na itutumba kung ipagpapatuloy nito ang pag-iimbestiga sa kaso ng pagpaslang kay Cervantes.

May duda ang pulisya na ang mga tumatawag ay nananakot lamang dahil ayaw nilang matukoy ang tunay na ‘utak’ sa krimen.

Bagamat binalewala lamang umano ni Supt. Artemio Pineda ang naturang mga pagbabanta ay mahigpit na seguridad ang ipinatutupad upang bantayan ang nasabing opisyal at pigilan ang anumang uri ng karahasan o krimen na posibleng ihasik ng masasamang elemento. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALEXANDER BARON CERVANTES

ARTEMIO PINEDA

CHIEF SUPT

DANTE JIMENEZ

DIRECTOR GEN

EDGAR AGLIPAY

INVESTIGATION DIVISION

LAS PI

LORDETH BONILLA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with