Impostor na Abenina isinabit si FVR sa kudeta
January 5, 2002 | 12:00am
Isa namang di kilalang phone caller na nagpakilalang siya umano si dating Land Transportation Office (LTO) chief Edgardo Abenina ang nag-aakusa na kabilang si dating Pangulong Fidel Ramos sa umanoy nagplano upang pabagsakin ang kasalukuyang pamahalaan sa pamamagitan ng kudeta.
Dakong alas-11:30 ng umaga kahapon ng makatanggap ang buong miyembro ng Western Police District (WPD) nang isang tawag at nagpakilalang si General Abenina kung saan sinabi nito na mayroon umano sanang magaganap na coup de etat noong Disyembre 31, 2001.
Sinabi ng naturang caller na isa umano si Ramos sa mga nagpaplano at mamumuno sa naturang destabilisasyon at binanggit nito na hawak umano niya ang mga dokumento at video tape na magpapatunay na mayroong mga malalapit na opisyal kay Pangulong Arroyo na nagbabalak na sumama sa nasabing kaguluhan.
"Ibubunyag ko ang mga opisyal ng pamahalaan na nagbabalak na mag-kudeta, hawak ko ang lahat ng ebidensiya," sabi ng caller.
Gayunman, nang sabihin ng caller na siya ay nasa Baguio City at kumpirmahin naman sa LTO, nabatid sa spokesperson nito na si Col. Gene Tocino na narito lamang sa Maynila si Abenina at walang katotohanan ang naturang balita.
Ang naturang caller ay napag-alamang tumawag sa ibat ibang tanggapan ng media, sa Central Police District at Camp Crame. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 15 hours ago
By Doris Franche-Borja | 15 hours ago
By Ludy Bermudo | 15 hours ago
Recommended