^

Bansa

Liderato ni Drilon unti-unti nang nagigiba

-
Nagbabala kahapon si Sen. Blas Ople na tuluyan nang magigiba ang liderato ni Senate President Franklin Drilon sa loob ng 10 araw matapos kumpirmahin na dalawang miyembro ng administration bloc ang nakatakdang lumipat sa minorya.

Sa press conference kahapon, tiniyak ni Ople, chairman ng Senate foreign relations committee na "magsisimula ang bagong tahakin ng mga senador sa loob ng sampung araw" dahil sa nakatakdang paglipat sa oposisyon ng dalawang kaanib ng administration bloc. Gayunman, tumangging ibunyag ang pangalan ng mga ito.

Napatunayan pang unti-unting nagigiba ang liderato ni Drilon matapos itong umatras sa nakatakdang pagpupulong ng Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) na gaganapin sa Hawaii.

Sinabi ni Ople na malamang kaya umatras si Drilon sa kanyang pagpunta sa APPF ay para magkaroon ng sapat na panahon na magsagawa ng maneuvering sa namimintong pagbaklas dito bilang Senate president. (Ulat ni Rudy Andal)

ASIA PACIFIC PARLIAMENTARY FORUM

BLAS OPLE

DRILON

GAYUNMAN

NAGBABALA

NAPATUNAYAN

OPLE

RUDY ANDAL

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with