LTO ang may 'K' magbakbak ng plaka
January 2, 2002 | 12:00am
Walang kapangyarihan at karapatan ang MMDA at iba pang deputized traffic enforcers na magtanggal nang plaka ng mga sasakyan dahil tanging Land Transportation Office (LTO) ang may hurisdiksyon dito.
Ito ang sinabi ni Atty. Percival Cendana, chief legal department ng LTO, na ang kanilang ahensiya lamang ang may karapatan na mag-alis ng plaka ng anumang behikulo sa buong bansa na nasasangkot sa anumang paglabag sa batas trapiko.
Nakikiusap ang pamunuan ng LTO sa MMDA at iba pang local deputized traffic enforcers na itigil na ang kanilang matagal nang kinagawian at kung sila ay nakapagtanggal ng plaka ito ay isumite sa nasabing ahensiya ng pamahalaan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest