Ayon sa Pangulo, hindi siya umaatras sa desisyong ibalik sa bansa si Misuari para lang makaiwas sa posibleng gulo na maaaring likhain ng mga taga-suporta nito sa sandaling ikulong sa bansa ang dating gobernador.
"Nakakahiya na sa Malaysia baka sabihin ng Malaysian citizens kay Prime Minister Mahathir Mohamad na bakit ito ang nag-aalaga ng problema ng ibang bansa," sabi ng Pangulo.
Sa sandaling dumating sa Pilipinas, aarestuhin at agad ikukulong si Misuari para harapin nito ang kasong rebelyon.
Sinabi ng Pangulo na wala nang panganib na maaari pang makagulo sa sitwasyon ng bansa sa pagbabalik kay Misuari dahil hindi na ito chairman ng MNLF dahil ang papel niya dito ay ginagampanan na ng Council of the 15 na pinamumunuan ni ARMM Governor Farouk Hussin. (Ulat ni Lilia Tolentino)