^

Bansa

Misuari ibabalik sa bansa sa Enero 15

-
Tinakdaan ni Pangulong Arroyo na maibabalik sa bansa si dating ARMM Governor Nur Misuari sa Enero 15, 2002 dahil nahihiya na umano siya sa bansang Malaysia.

Ayon sa Pangulo, hindi siya umaatras sa desisyong ibalik sa bansa si Misuari para lang makaiwas sa posibleng gulo na maaaring likhain ng mga taga-suporta nito sa sandaling ikulong sa bansa ang dating gobernador.

"Nakakahiya na sa Malaysia baka sabihin ng Malaysian citizens kay Prime Minister Mahathir Mohamad na bakit ito ang nag-aalaga ng problema ng ibang bansa," sabi ng Pangulo.

Sa sandaling dumating sa Pilipinas, aarestuhin at agad ikukulong si Misuari para harapin nito ang kasong rebelyon.

Sinabi ng Pangulo na wala nang panganib na maaari pang makagulo sa sitwasyon ng bansa sa pagbabalik kay Misuari dahil hindi na ito chairman ng MNLF dahil ang papel niya dito ay ginagampanan na ng Council of the 15 na pinamumunuan ni ARMM Governor Farouk Hussin. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

ENERO

GOVERNOR FAROUK HUSSIN

GOVERNOR NUR MISUARI

LILIA TOLENTINO

MISUARI

NAKAKAHIYA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

PRIME MINISTER MAHATHIR MOHAMAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with