^

Bansa

Sen. Cayetano inabsuwelto sa BW shares

-
Ibinasura na ng Senate ethics and priveleges committee ang imbestigasyon laban kay Senator Renato Cayetano kaugnay sa alegasyon ditong kumita sa kanyang Best World (BW) shares dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Sinabi ni Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, chairman ng nasabing komite na walang white wash na naganap sa pagbabasura ng kaso laban kay Sen. Cayetano bagkus ay ginamit ng komite ang lahat ng paraan upang makuha ang lahat ng tao na may kinalaman dito.

Ayon kay Pangilinan, pawang "hearsay" lamang ang mga akusasyon nina Atty. Crispin Remulla at Ronald Lumbao ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) na ginamit ni Cayetano ang kanyang puwesto bilang senador upang makakuha ng shares sa BW ni Dante Tan.

Wika ni Pangilinan, dalawang beses nilang pinadalhan ng subpoena si Tan sa kanyang huling address subalit hindi ito nakasipot sa anumang pagdinig sa Senado at maging ang mahahalagang tao na dapat magbigay linaw hinggil sa isyu ay hindi sumipot sa pagdinig ng komite.

Ipinaliwanag ni Pangilinan na wala na silang magagawa kundi desisyunan ang nasabing kaso matapos magsumite ng kanyang panig si Cayetano kaugnay sa isyu samantala nabigo naman sina Remulla at Lumbao na patunayan ang kanilang akusasyon. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BEST WORLD

CAYETANO

CRISPIN REMULLA

DANTE TAN

MOVEMENT AGAINST POVERTY

PANGILINAN

RONALD LUMBAO

RUDY ANDAL

SENATOR RENATO CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with