Limampung porsiyento din umano ng mga bilanggo sa bansa ay nagsimula bilang mga young offenders.
Ayon kay Rep. Edmundo Reyes, ng Marinduque, dapat na mabigyan ng proteksyon ng Kongreso ang mga batang bilanggo dahil dito sa Pilipinas, ang isang siyam na taong gulang na bata ay maaaring litisin na katulad ng isang matandang akusado.
Ayon pa sa pag-aaral ng United Nations Childrens Emergency Fund (UNICEF), ang karahasan sa tahanan, child abuse, impluwensiya ng alkohol at droga ang mga major factors na nagtutulak sa mga kabataan upang gumawa ng krimen.
Kaugnay nito, ipinasa na ng House Committee on Justice ang tatlong panukalang batas na magbubuo ng comprehensive juvenile system sa bansa.
Nakapaloob sa tatlong panukala ang paghihiwalay sa mga batang bilanggo sa mga adult offenders at ang pagsasailalim sa mga ito sa rehabilitasyon.
Idinagdag pa ni Reyes na iba ang dapat gawing pagtrato sa mga bata at sa mga matatandang akusado. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)